profile image
by Gerald3Anderson
on 7/6/10
I like this button70 people like this
Cancel muna shoot ko ngyun..Dahil sa ng yari last nyt sa game...


Hello Kwers, globies, locsies at lurkers!!!! it's me again, hahaha!!! (nawili sa pagbi-bts noh, hahaha)


At di ko na naman alam kung paano ako magsisismula, hehehe...


Actually, super biglaan lang ang panonood namin ng basketball game na ito. Narinig lang namin si Ge kanina sa asap na sinabi nga niya may game siya sa Tarlac, so ayun biglang nagtextan na kami nang aking partner in gala na si Ruan, hehehe... Then, nagdadalawang- isip pa kami kasi wala kaming sasakyan kasi wala yung nagda-drive namin, so no choice, commute kami, eh di namin alam ang lugar, hehe.. Pero malakas ang sigaw ng kagustuhan naming magpunta at sadyang adik kami kaya ayun, final decision, go kami, hahaha!!!


Nag-meet kami sa SM clark ng 4pm then punta kami ng Dau sa may terminal ng bus, at buti naman at kasama namin si mr. magtanong kaya ayun bago kami sumakay tinanong muna namin kung dadaan ba sila ng TSU, so sabi ibaba na lang kami sa may sakayan papuntang TSU, so sakay na kami.. Medyo matagal din ang biyahe, almost 6pm na kaming nakarating dun. Then pagdating sa venue, nagsisimula pa lang silang magpapasok, so buy na kami ng tickets at pumila na kami.. pero inistorbo muna namin si ate mindz na forever accomodating at supportive (sa kabaliwan namin, hahaha) at tinanong namin kung paano kaya kami makakalapit kay ge, so ayun tinext niya si potpot. Then sabi namin kung pwede hingin number ni pot, so binigay naman niya kaso nung tinext namin si pot di nagreply, hehe.. kaya nung pumasok siya tinawag namin at sabi ko bakit di siya nag-reply in a malambing way naman (kapal ko noh), sabi niya di daw niya dala ang cp niya... But Luck was on our side kasi nakaupo kami sa 1st row at sa likod lang ng mga players, kaso may barricade nga lang kaya parang preso kami, hahaha!!!


Past 7pm ayan na, nandiyan na sila at malapit nang mag-start ang game, siyempre pray muna at sing ng national anthem, hehe... then ayun na, isa-isa ng tinatawag ang starmagic artists, at grabe ang ingay talaga at puno ang venue lalo na sa side namin talagang jampacked.. Unang tinawag yung gerard acao, akala ng mga tao si ge na yun kaya talagang sigawan at tiliin to the max, tas hindi pala, haahahaha!!! sunod-sunod na silang tinawag, di ko na natatandaan kung paano ang order (nandun sina rodjun, fred, jason abalos, matt, tyrone, ej falcon, at yung jose... at kung may nakalimutan ako, sori ha) basta 2nd to the last na tinawag si Rayver then eto na ang siyempre pinakahihintay ng lahat, ang pinaka-gwapoooooooo o- prince of philippine movies at tv- Mr. Gerald Anderson!!!! ! Juice kooooooooo nakakabingi ang sigawan at hiyawan at tilian at kasama na ako sa mga sumisigaw, si ru di ko na napansin kung sumisigaw din, kasi nabingi nako sa sarili ko, hahaha!!! Tas ayun nakita namin nandun si ms. Maffy kaya tawag namin siya kaagad at buti naman nakilala niya kami, hehe, then si Ms. Nhila tinawag din namin tas nagulat siya na nandun kami, hehe.. Tanong pa namin kung pwede kaming pumasok (kapal ko talaga , hahaha) sabi niya try daw niya later, pero sa dami ng tao tsaka yun nga tutal nasa likod lang nila kami eh nag-stay na lang kami sa pwesto namin..


Tas nung umupo si ge tinawag ko, tas nung makita ako nagulat din siya at sabay abot ang kamay niya sakin at tanong kung sino raw ang kasama ko, sabi ko si ru at anak ko, hehe.. So, ayun buzzer na, start na ang game, kakaloka, talagang non-stop ang pagtawag kay ge at pinapaharap para picturan, at si forever na mabait at accomodating humaharap talaga at nag-smile... hayyyy, ang bait talaga bukod sa uber gwapo pa!!!! at yung harapan namin laging may nakatayo kaya kahit ayokong tumayo en tumatayo ako para makita ang game...


So start na ang game, siyempre 1st 5 ang lolo natin, hehe.. Grabe, ang galing sa assist ni ge!!! at talagang maubos-ubos ang boses ko sa pagsigaw at sumakit ang palad ko sa pagpalakpak, hahahaha!!! All-out ang lolo niyo at talagang kinarir ang game, at madalian lang pag lumalabas siya, so babad siya talaga sa laro.. Pero sad to say di sila makahabol sa kalaban, pero laging "kaya natin ito" ang dialogue nila, hehe, never say die ika nga, hahaha!!! Alam na alam mo pag si ge ang may hawak ng bola kasi automatic yung sigawan, hahahaha!!! At ako si baliw, pag mag-free throw si ge ang sigaw ko "go kim!" at yun nothing but net ang bola!!! say niyo, swerte ang cheer ko, hahahaha (at inako ba naman yun, hahaha), 100% sa free throw shooting si ge, di siya nagmintis, (at di rin ako nagmintis sa pagsigaw ng go kim, hahaha) as in 4 or more times yata siyang napunta sa free throw line at nothing but net lahat!!! galing-galing talaga!!!


Tas halftime na, sumayaw yung cheering squad at pina-upo ang starmagic sa gitna ng court, palagay ko way na rin yun para makapag-pahinga sila, kasi ba naman non-stop ang mga nagpapa-pic sa kanila, lalo na kay ge.. So ayun, nood ang lolo sa mga sumasayaw pero yung mata either nakatingin sa baba or nowhere, hahaha.. Tas ayun nagsalita siya after nung dance at nag-thank you sa lahat ng nagpunta kasi puno nga tas ayun pinasubo pa sina rayver at rodjun pati si matt, sabi niya kasi may kasama siyang tatlong dancers at sasayaw din daw, loko talaga si ge, tas kinuha ni rayver ang mic sa kanya at sabay tanong sa audience kung gusto ba daw makita si ge na tumambling, hehe, siyempre sigawan ang lahat, so ayun music, at sumayaw ng konti sina rayver at rodjun, diko napansin si matt kung sumayaw din kasi ba naman yung cheering squad nasa gitna pa at natakpan sila, tas si ge tumambling nga, kakaloka talaga si ge, hahahaha!!! tas ayun photo-op ung cheering squad...


tas balik sa upuan ang players at balik na naman ang walang katapusang nagpapa-pic kay ge... di makapag-pahinga si ge kasi laging may nakatayo sa side niya na ewan ko san nanggagaling at bakit nakapasok... then may kumanta na bata, then si ge biglang tumayo at nilapitan yung kumakanta at inalalayan papunta sa gitna, tas lapit si jason at sinayaw din yung bata then bigla naki-join ulit si ge hanggang sila na ni jason ang sumasayaw ng sweet, hehehe... mga loko-loko talaga...


then parang sbi ni ge na start na ang game, parang gusto nang matapos agad ang game, (bakit kaya, hahaha).. so 3rd quarter na.. ayan, lalo nang nag-init si ge, naka-3point- shot agad, parang mawawasak ang gym sa sigawan, hahaha, eh 12 yata ang lamang ng kalaban, so medyo nakakahabol na sila, pero kapag may chance na mag-deadlock, di sila nakaka-shoot, hahaha!!!
entire game eh lamang ang kalaban, except sa last 3 or 2minutes nga ba yun, lumamang na sila, at si ge na kinarir talaga ang laro may time pang nag-dive sa sidecourt, buti na lang di nasaktan, tas ayun nga bigla nung less than 3minutes na lang, kakaloka, biglang bagsak si ge, pagkakita namin si ge di makatayo, akala namin simpleng bagsak lang, tas ayun yung mata niya natamaan pala, at ayun lumiit ang left eye niya, so sumiksik kami sa mga tao at talagang go sa malapit sa pinagbasakan niya, ayun nakapa-ikot na sa kanya ang team mates niya.. nilagyan agad ng ice pero maga na agad, tas ayun kahit masakit ang mata at lumiit, go pa rin siya sa free throw line at ayun nothing but net pa rin, grabe, ang galing talaga, tas hindi pa rin siya lumabas at naglaro pa talaga, pero lamang na sila, pati score diko na napansin kasi nga kami ni ru yung mata niya ang inalala namin, tas tinawag ko si jalal at pot, tanong ko agad kung ano nangyari sa mata niya, kung may sugat ba, sabi naman ni jalal wala naman daw at natusok lang... Pero nung last minute at lamang na sila, lumabas na ng playing court si ge at ayun, kinold-compress na yung eyes, todo cheer pa rin siya kahit nakikita mo na masakit yung mata niya.. What a pro talaga!!!
at tinapos niya ang game pati photo-op at awarding then lumabas na sila...CONGRATULATI ONS TO STARMAGIC TEAM!!! last minutes na lang nakahabol pero nanalo pa!!! clap, clap, clap!!!


At kami ni ruan mabaliw-baliw kasi di namin alam kung paano pa kami makakalapit sa kanya, para nga makita yung mata niya, alalang-alala kami, sabi namin last minutes na lang nadisgrasya pa.. So go kami kung san sila nag-exit, kita namin yung sasakyan niya pero ayaw kaming papasukin sa gate, nawalan na kami ng pag-asa ni ru, pero thank God at thanks to maffy, ewan ko sinong hinahanap then nakita kami tas sabi namin kahit magba-bye lang kami kay ge so ayun sinabi kami sa guard kaya nakapasok kami, si ge nakapagbihis na at buti na lang naabutan ko pa siya, talagang hinakbangan ko yung mga halaman, tas ayun nakita niya kami then ayun di na muna siya sumakay at siyempre beso-beso kami ni ru at nakipag-apir sa anak ko then kinumusta ko yung mata niya sabi niya ok lang daw, sabi ko pa last minutes of the game na lang may nangyari pang ganon, tas sabi niya 'oo nga eh pero ok lang' at sabi ko pa pano yan may taping siya bukas, 'ok lang' pa rin ang sagot niya, hehehe, then ayun tanong niya kung wala ba daw kaming camera para picture kami with him habang sariwa pa raw yung nangyari sa mata niya, kaloka talaga si ge, so ayun pa-pic na kami sa kanya then paalam na, sabi niya ingat daw kami at thank you at sabi namin ingat din at thank you (inulit lang namin ang sinabi niya, hahaha) at sana gumaling na yung mata niya, so ayun beso-beso ulit then sumakay na siya sa coaster ng abs kung saan lahat nakasakay yung team mates niya kahit nandun naman yung sasakyan niya..


so ayun, nakalimutan namin mag-send ng regards kay kimmy kasi nga na-focus kami sa mata niya na natamaan.. so nag-thank you na kami kay maffy then hinahanap namin si ms. Nhila pero wla dun then nakasalubong namin sa gate so thank you din kami sa kanya then tanong pa niya kung uuwi pa kami ng pampanga nun, tas sabi niya ingat daw kami at ako si makulit tinanong ko na naman ang mata ni ge, tas sabi niya cold compress lang daw at magiging okey na... so ayun, ba-bye na kami sa kanya...


at yan ang isa na namang epi namin ng ka-adikan sa kimerald, hahaha!!! talagang kahit last minute lang sumusugod at kahit di alam ang pupuntahan go pa rin, hahaha!!!! all for the love, ika nga, hehehe...


to ate mindz thank you po ulit...
to ms. maffy at ms. Nhila super thank you!!!
& to Ge, grabe, ang galing, ang bait at what a pro!!!! injured and all,super game pa rin!!! super pagod pero lahat ng nagpa-pic with him pinagbigyan niya at kumakaway at all- smiles the entire time!!! super lalo akong humanga at bumilib sayo!!! super thank you, thank you talaga for being forever mabait at accomodating! !! we love you!!! Godbless at sana gumaling agad yung mata mo...


♥♥♥KIMERALD FOREVER!!!♥♥♥


its me,
♥mitch♥